Saturday, February 11, 2012

   <--- 'Yan ang Pilipinas, kung saan ako ipinanganak, lumaki, nag-aral, natutong magmahal, hhmmph.. ano pa ba? Lahat na yata diyan ko ginawa.


   'Yan namang nasa ibaba ay ang aming watawat. Sabi ni Wikipedia: "The Philippine national flag had a rectangular design that consist of a white equilateral triangle, symbolizing equality and fraternity; a horizontal blue stripe for peace, truth and justice; and a horizontal red stripe for patriotism and valor. In the center of the white triangle is an eight-ray golden sun symbolizing unity, freedom, people's democracy and sovereignty."


   Ang sabi ko naman: "Sus, yan? Sa Lupang Hinirang lang yan kailangan." Syempre joke lang 'yon. Alam mo, sa tuwing nakikita ko 'yan respeto agad ang tumatatak sa isip ko. Ewan ko kung bakit ganoon, basta ganon.


   Kung tatanungin mo ako kung nasaan ako ngayon sa Pilipinas, nandito ako sa Manila, sa may bandang Las Piñas. Maganda dito, parang paraiso.


   Magaganda rin yung mga schools dito, katulad ng UPHSD (of course, school ko 'yan eh), Ateneo, UST, Lasalle at marami pang iba.


   Uso rin dito ang bagyo, kaya yung mga taga ibang bansa diyan na binabasa 'to ngayon, sana naman makapag bigay kayo ng tulong saamin kung may mangyari mang trahedya especially dun sa mga mahihirap at wala talagang kaya.


  Change topic naman tayo. Parang lumulungkot na kasi.




   Nasa Dahilayan, Bukidnon kami niyan. Nandiyan ang "Longest Zipline in Asia" Wait. Ako nga pala yung naka longsleeves na white and yung naka black, pinsan ko. Nakasakay na ako diyan sa longest zipline, padapa ang porma mo, aakalain mo na ikaw si Superman. Astig! Pagkatapos mo sumakay doon bibigyan ka ng certificate, katulad nung hawak ko dun sa picture ko sa ibaba.



Sige na, dito nalang muna. Kailangan ko na kasing kumain ng lunch. 12:50 noon na dito. Paalam!

No comments:

Post a Comment